Si Kwan. 28 Uri ng Kaklase sa Hayskul. (Part I)

9:04 AM PalamuninLang 13 Comments


3.23.2014
Davao

Hehe.

Pasensya na at ngayon lang ako ulit nakapag-update ng blog. Naging abala sa trabaho at sa pag-tulog. Samahan mo na din ng kape araw-araw para masilayan ang paboritong barista. Mabigat mag-dala ng laptop kaya nakakatamad dalhin sa opisina, tapos iiwan mo pa sa guard pagkat bawal ilagay sa station. Halos zombie na din ako after work kaya wala na talagang pag-asa makapag-type. Di kasi ako sanay na may draft bago i-publish, rekta na - para masarap. Kaya kung di ko matatapos ang isang blog post sa isang sulatan, di ko nalang sinisimulan.

Yung mga nagrerekwes ng blog tungkol sa pag-ibig, wala akong pag-ibig ngayon.
Pasensya na, single lang. Di ko nga lang alam kung by choice, o kinarma.
Baka next blog siguro.

_________________________________________________

Kanina, nakita ko si Kwan..

..yung kaibigan ko sa Facebook, kasama sa mga inaamag sa friend list ko miski wala kaming kahit anong klase ng interaction, pero di ko alam/maalala kung kakilala ko ba talaga o paano. Basta inadd ko lang o inadd lang ako.

Sigurado, meron ka ding ganito. Mga taong naka-add sa Facebook mo miski di mo kakilala. Di mo naman mabura kasi either chicks, o pwedeng bigyan ng link kapag may ipapa-like ka. Kung ayaw mo maniwala ay tignan mo ang mga taong online sa chat menu. Kakilala mo ba lahat? Taong di mo alam kung kaklase mo noong Elementary, Hayskul, o College, o mga babaeng napag-tripan mo i-add kasi may cleavage, o napag-tripan kang i-add kasi mukha kang tao sa profile picture mo. 

Sa kaso ko, pakiramdam ko ay puro kaklase/ka-iskwela ko noong araw ang nag-aadd sakin sa Facebook. Gustuhin ko man, di ko sila ina-accept lahat dahil may iba't-ibang topak kami sa buhay. May mga trip silang di ko trip, at vice versa.

Nerd daw ako nung nasa unang mga taon ako ng hayskul. Wala nga lang akong salamin at braces at ayoko din ng numbers, kaya di ako certified nerd. Sa break time, di ako nakain. Either nagbabasa ako ng libro o naglalaro ng Pokemon Yellow sa Gameboy Color. Since Catholic school yun, na medyo public ang itsura sa dami ng kaklase, nasa trenta ata kami mahigit?

Sa halip na makisama ako sa trip ng iba, mas gusto kong makinig sa kanila at mag-obserba. Ganyan ako ka-wirdo.

Eto ang resulta ng pag-oobserba:


28 Uri ng Kaklase sa Hayskul: Part I

1. Si Pres. - Ang responsable at kailangang sumipsip para sa recognition day. Ang dakilang achoy ng class adviser. Sila yung mga taong ligtas sa 'Noisy' list kasi sila yung nasa harap ng board at naglilista. Akala mo kung sinong pipe na hindi marunong magsalita. Tuwing English/Speech class, tiba-tiba sila ng treasurer sa dami ng nakokolektang 50 centavos per Tagalog word. Natatawa lang ako minsan kung bakit di sila naka-lista sa 'Standing' list, e nakatayo naman sila diba? Piso kasi kapag standing, pwera na lang kung najejebs ka na.



Ang sarap tignan kapag bentang-benta yung pangalan mo sa black board, lalo na kung di mo alam ang spelling. Hanggang ngayon, naiisip ko kung naka-magkano sila ng kolekta sa buong panunungkulan nila noon. Siguro dito din nagsimula ang korapsyon sa sistemang politikal - na kapag may mali ang tao, pwede mong suhulan ng pera ang nasa taas. Parang 50 centavos per Tagalog word policy.

2. Buraot. - 'Pengeng wanport', 'pa-tikim naman ng baon mo', 'may bolpen ka pa?', 'pa-kopya naman', 'peram dos', 'pa-review sa 'xerox' mo, 'makiki-print sana..' 'pa-lagay naman sa locker' - mga linyang gasgas na mula sa kanila. Sa klase, siguradong may isang taong anak ng dios. Kulang nalang hingin sa'yo ang baon mo sa araw-araw at kung mamalasin ka, pati pang tuition niya next year kung siya pa din ang kaklase mo. Walang kahit ano, nag-enroll para mamburaot ng kaklase. Ang nakaka-inis pa, sila ang mga taong madamdamin miski di naman nagbabayad ng utang. Kung may kakilala kang ganito, paki share sa kanya ang blog.

May female version din ang mga buraot. Sila yung mga sali nang sali sa mga contest at beauty pageant. Tapos bebentahan ka ng ticket, na kadalasan ay limang piso, hanggang sa mapuno ng ticket ang mga bag ninyong magkakaklase. Ang kadalasang ending, mukha kang konduktor sa bus sa dami ng makukulay na papel na meron ka. Miski di kadalasang maganda, mataas ang self-esteem ng mga buraot. Ang sarap lang nilang barahin ng, 'sasali-sali ka diyam, wala ka naman palang pera.' Isali na din natin dito yung mga namimigay ng sobre kasi palaging may deds na kamag-anak, o para sa church - Bumenta na sakin lahat yan.

3. The Var-Tee-Si Player - Sporty/Pogi/Talk-of-town/Matangkad/Mambobola/Habulin ng Bading/Bading na Paminta/Bading Mismo kung Volleyball Player/ Kawawa ang labandera/ Malibag ang Batok kung walang covered court ang school niyo. Mga taong magaling sa bolahan. Yan ang mga Varsity. Di ka ba nagtataka? Wala atang varsity player ang nagiging single nang higit sa isang taon? Bakit? Di ko alam. Wala naman atang babae ang hindi naaakit sa magaling magbasketball. Ang alam ko lang, masarap siguro maging varsity kasi excused ka sa mga quizzes at recitations, tapos chikboy ka pa - pwede sa Chik, pwede sa Boy. Ako, wala akong alam na larong may kinalaman sa bola kaya bumagsak ako sa P.E. Palibhasa Jolens lang ang nilaro kong bola nung bata ako.

4. Bully. - Minsan buraot, madalas bully lang talaga. Mga taong hindi kayang magwala sa bahay nila kaya sa iskwela nagmamatapang. Di naman matalino, tapos may behavior issues pa. Paano nakakakuha ng clearance galing sa Guidance Office ang mga taong gaya nila? Ako nga hirap na hirap kumuha ng clearance kasi may balbas daw ako at mahaba ang buhok. Tangina. Paano na lang pala kapag bumaba si Jesus mula sa langit at sa school namin nag-enroll? Kailangan din ba niya magpa-clean cut? Kailangan din ba niya hubarin ang white magic palda niya na nilabhan gamit ang Tide with Downy Isang Banlaw,  at mag-conform sa black pants?

Nakaka-apekto ba sa talino yung long hair ko? Hindi. Pero yung mga bully, nakaka-demotivate ng mga estudyante para wag nalang pumasok.

Na-bully din ako nung hayskul, di yun cool. Sayang lang at parang wala namang matinong aksyon ang gobyerno sa ganitong klase ng sistema. #AntiBullying Malas lang din at nasa circle of friends at support system nila ang mga clowns ng klase </3




5. Ja-pok. - 'Alam niyo ba kung bakit mababa ang lipad ng mga kalapating mababa ang lipad? Kasi may naka-dagan.' Yan ang sabi ng dati kong teacher sa Values Education. Ang Ja-pok ay para sa mga babaeng kaklase na walang matinong alam gawin sa katawan nila. Palaging nasa inuman, bihira pumasok o kaya ay palaging late dahil puyat. Di din naman katalinuhan ang mga ganitong klase ng kaklase. Minsan na nga lang pumasa, sa pregnancy test pa. Kasama sa school supplies nila ang foundation, lipstick, eyeliner at extra cellphone. Kung makikita mo naman sila sa labas, nakapang-gahasa shorts lang o kaya mini-skirt. Swerte kung walang barya.

6. Mga Anak ng Pusa. - Sila yung mga kaklaseng halos di mo kakilala, o sa umaga mo lang nakikita. Mga batang nagka-cutting classes. Mga kuting. Yung mga magulang nila, hindi alam kung saan pupulutin ang pera ng nagpapayaman sa mga computer shops at bilyaran malapit sa school. Yung walang katapusang projects at print-outs, daig pa ang may thesis. Kung medyo mayaman, nasa mall para magpa-erkon at umorder ng siomai habang nagsasayaw, nagkakaraoke, nagTetekken, basketball o kahit anong laro na kailangang gumastos. Noong hayskul pa ko, nagre-raid pa talaga ang adviser namin sa mga bilyaran at computer shops. Kukumpiskahin ang id, tapos ipapatawag ang magulang para i-claim.

Remember me?


At dahil mahilig ako mag-observe, nag-cutting classes din ako minsan para malaman ang mga ginagawa ng mga nagka-cutting (biro lang, nag-cutting ako kasi nawawala ID ko at ayaw ako papasukin ng gwardya sa school namin) Dyahe, ubos ang pera ko sa computer. Ragnarok pa noon ang iskoran at kayamanan ko nang itinuturing ang mga top-up card na sikwenta pesos. Isang beses lang naman ako nag-cutting, pero napamahal na agad ako kay Kafra, sa Gunbound at Aduka Wars. Ang saya ng araw na yun, lahat kaibigan ko. Pero saka na ang saya dahil swerte pa ko sa nakatapak ng tae - may raid nung araw na yun at nahuli ako ng matandan hukluban kong adviser. Si Gerlie Rellosa. Ipinatawag ang magulang ko, kinausap ko si papa pag-uwi ko ng bahay.

Ako: Pa, punta daw kayo school bukas sabi ng adviser ko.
Papa: Bakit daw? May ginawa ka nanamang kalokohan no?
Ako: Wala. Baka ikaw may ginawa? Ikaw pinapatawag e.
Papa: #$#@^* **#~!

7. Know-it-all: Albularyo, Boka/Poser. - May naging kaklase ka na bang laging nagku-kwento ng tungkol sa probinsya? Na nakakakita siya ng mga bagay na di mo nakikita? Na yung kamag-anak niya ay may-ari ng isang malaking lupain/bukid/resort sa Siquijor? Na nakakita na siya ng manananggal? Kaya din niya magbigay ng reseta miski wala naman siyang kapamilyang doktor o nars, kaso herbal medicine. Kung meron ka mang kaklase na gaya nito, isa siyang albularyo.

Kung may kaklase ka naman na kung anu-anong gupit-barbero ang kwento, Boka ang tawag sa kanila. Sila yung mga taong daig pa si Bill Gates kung mag-kwento. Maubos na ang yaman, wag lang ang yabang. Kapag may kwento ka, sisingit sila at sasabihing may ganoon din sila/tatay/tito/kuya/uncle/tropa/kungsinomanghudas nila. Kung mag-kukwento naman ang boka tungkol sa mga karanasan, palaging biktima ang kawawang pinsan. Madalas, nagsisimula ang linya sa.. 'yung pinsan ko kasi...' Kung gusto mo sila mahuli, tanungin mo ang pangalan ng pinsan niya ngayong linggo. After a week, ipakwento mo ulit sa kanya at tanungin mo ang pangalan ng pinsan niya. Pusta ko leeg ko, magka-ibang pinsan na ang usapan dito.

Mahilig din sila sa self-proclamation.

Kadalasan silang magpapahaba ng buhok, sasabihing may banda sila (miski wala) at may hawak silang instrumento't nakasali na sa mga battle of the bands. (Bigyan mo ng gitara, miski 'Am' di alam.) Kapag tumugtog ka naman ng mabigat, makiki-jam sila dahil ang totoo ay hindi sila marunong mag-classify ng music genre. In short, Posero.

8. Gonna catch em all. - Nerd. Kung may kaklase kang naglalaro ng Pokemon, automatic Nerd siya. Pilitin niya mang mapunta sa ibang category, mangingibabaw ang pagiging nerd sa lahat ng pagkaka-taon. Yung ibang nerd naman, interested Science o Math, numbers at theories - mukhang T-square kumbaga. Masarap katabi pag may pop-quiz o di kaya quarterly exams.

Ayon sa majority ng mga pelikulang napanood ko, mge nerd daw ang type ng mga seksing bebot na may Rakenrol bitchy attitude. Pero based on experience, wag kayo maniwala. 



Yung babaeng nerd naman ang cute type ng nerd. Sila yung mga magaganda by default, pero pinili maging manang. Naka-palda, salamin, may backpack, braces, wirdo - voila. Sexy. <3

Madaling nawawala ang pagiging nerd pag-dating ng kolehiyo, maliban nalang kung ikaw yung Otaku type na nerd. Pang-habambuhay na yan halos kung Otaku ka. Lalo na yung mga nagsasalita na ng Nihongo miski wala naman kayong Asian Studies/Subjects.

Madaling palatandaan kung Otaku Nerd ang kausap mo:
Mag-bigay ka ng anime. Isa lang.
Bibigyan ka niya ng isang-libo, hanggang sa matameme ka't ma-guilty na inopen mo ang topic na 'to. Kung magkukwento man siya ng plot, may sound effects pa. Shing! Shung! Shang! - Angas! Dolby 5.something! Take Note: Iba po ang Otaku Nerd, at Retard. Salamat.

9. Yung may Strings sa Buto. - Nagkaroon ka na ba ng kaklase na sobrang sinamba mo ang guitar skills? Yung tipong tinitipa ang mga chords habang ini-imagine na acoustic guitar ang kanang braso nila?

Noong unang beses ako magka-gitara nung hayskul, nagpaturo ako kay Peter (ang John Petrucci ng klase). Malupit sa iskala si Pedro kaya naisip kong sa kanya magpaturo dahil mabilis ang mata ko sa pang-gagaya ng chords at tabs. Ang usapan namin, magdadala kami pareho ng gitara sa Biyernes noong linggong yun para mapa-igsi ang learning curve ko. Papayagan din kami dahil kasali sa MAPE ang Music.

Napakatino ng usapan, siya lang ang hindi.

May bitbit akong gitara nung PE day namin, laking taka ko't walang bitbit si Pedro.

Niyaya ko siyang gamitin ang gitara ko dahil mas madali ako matuto sa panunood. Tumanggi si Pedro. Sabi niya, tuturuan daw muna niya ko ng basic chords. Pumayag naman ako dahil libre naman ang tutorial, at ako ang humihingi ng pabor.

Noong nagsisimula na ang tutorial, nagtaka ako kung anong ginagawa niya sa kaliwang kamay, at kanang braso niya. Dahan-dahan niyang idinikit ang mga daliri niya sa kanang braso niya... Kala ko namamakyu ang tarantado. Sabi niya bigla, "G" to, ganito yung "G". Tapos "Em", tapos "C" ganito.. tapos..."

 Putang-ama, wala akong natutunan noong araw na yun. 

10. Ar-tits. - Ang alay ng klase sa mga poster making contests. Madalas na mas madaming medalya sa cabinet dahil sa mga contest kaysa sa mga academic awards.

Sanay sila sa mga linyang 'Pa-drowing naman', 'Marunong ka din mag-portrait?', 'Anong magandang lapis/skecthpad?', 'Nanunuod ka ng Hentai no?' at madami pang tanong na di mo alam kung saang balon hinukay. Kung manghihiram ang mga artists ng bolpen, wag mong asahang makakabalik pa. Kung manghihiram sila ng notebook, tignan mo agad ang last page ng notebook mo pagka-soli nila at makakakita ka halos ng replica ng mga 'How to Draw Manga' guidelines.

11. Chinita. - Either ang muse, o Pokwang ng klase. May dalawang uri lang ng Chinita:

a. Maling - Ang Kick-ass panget na Chinita. 100% China-made. Pokwangin beauty. Treasurer. Namamapak ng algebra. Bruise Lii.
b. Chin-chan-su. - Half-Chinita, Half-Whatever = Perfect Combination. Pwedeng modelo sa photo shoot, o billboard ng Chowking. Crush ng klase. Swerte ka kung matalino at hindi nga-nga.

12. Songbird. - Suki ng mga singing competition at Lupang Hinirang. Suki din ng mga gurong tinatamad pa magturo sa umaga kaya kailangan muna na may kakanta para kumain ng oras. Ang mga songbird ang vino-volunteer ng mga kaklase lalo na kapag may bisitang Principal na mahilig magtanong kung sino ang magaling kumanta. Sacrificial lamb kumbaga. Kung hayskul ka ngayon at nagbabasa ka nito, masasabi nating songbird ang kaklase mong di makapag let go sa 'Let it Go.' Utang na loob, let it go.

13. Keppapers. - Di sila ganoon ka-dami noong panahon ko, pero ngayon.. nagkalat na sila. Mga taong mahilig mag-selfie habang naka-pose ng Kuri-Korea. Kadalasang blonde, cute manamit, at may kakaibang trip sa buhay. Minsan din akong sumama sa ganitong grupo para makinig. Wala namang problema sa trip nila sa buhay. Ang ayoko lang ay ang mga shotaan circles nila, sila-sila din madalas.

14. Dalawang-Tabo. - Mga taong di pinalad magkaroon ng hygiene rituals at madalas na pumapasok na hindi man lang nag-toothbrush, hindi nag-shampoo, walang deodorant, at kung mamalasin, walang ligo. Mas malas ka kung ginawa nila ang mga bagay na 'to, at nagmatapang pang mag-pabango. Kung gusto mo makakita ng snow, tumabi ka sa kanila. Magsuot ka ng itim para mas evident yung snow. Kung gusto mo naman ng munting palayan, magbaon ka ng munggo. Tanim mo sa batok nila.

May masama ba sa mga taong gaya nila? Wala. Nakaka-apekto ba to sa pag-aaral nila? Hindi.
Sa mga kaklase, oo.

Share mo sa kanya kung may kakilala kang ganito.


___________________________________________

Ipagpapatuloy ang Numero 15-28 sa mga susunod na akda. :) Inaantok na ko.
 Maraming salamat sa pagbabasa. Share! <3

Para sa mga suhestyon at reklamo, marapat lamang na maglagay ng mga hinaing sa ibaba (Comments Section). Maraming salamat po, lalo na sa mga nag-papakain ng mga isda sa kanang bahagi ng pahina at mga di tumigil sa pangungulit para magsulat ako ulit. Yung mga gusto mag-rekwes ng topic, nasa baba ang link sa Facebook ko. Balik kayo next week! I-share sa mga may balak kitilin ang sariling buhay. Pag-ibig Ang Lunas.

-Pal






You Might Also Like

13 comments:

  1. hahaha..galing..galing..so relate dun sa 50cents per tagalog word..others believed the idea was stupid i believed it was good...ako ang taga kolekta eh....next na pulesssshhhhhhhhhhhhhhhhh...

    ReplyDelete
  2. Ewan ko ba, nawala ang init ng ulo ko dito. Hehehe totoo at nakakatawa.!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Just Always Pray At Night. JAPAN.

      -Walang ma-comment. Haha!

      Delete
  3. Hi Pal.
    Ako nga pala si K, short for Kwan. (^___^).

    Sa tingin ko nga, mas magandang dito na lang ako magcomment, para si "anonymous" ako.hehe

    Gusto kong sabihin sa'yo na, SALAMAT!

    ..sa pag-accept ng friend request ko recently, dahil dinelete mo ko dati.(can't blame you for what you did, my fault)

    ..sa mga words of wisdom/banat mo, na kahit masasakit basahin, eh nakaka-paisip.(yung iba kasi, nakaka-relate ako :))

    Hindi ko alam kung anong alam mo.
    Hindi rin ako sure kung nag-aalala ka sa akin, pero ito lang ang masasabi ko, I am STILL! :)
    Nainlab lang talaga.

    Alam mo ba, kung dati isang tao lang ang pangarap kong makita sa personal, ngayon dalawa na... S'YA at IKAW! hahaha
    Mukhang mata-tameme ako pag kaharap na kita!haha. Naisip ko lang, ganyan ka rin kaya sa personal? :)

    Pasensya ka na.

    Kung may time ka, browse my FB wall, punta ka sa taong 2010, dated November 16. Andun ang last message ko sa'yo.haha

    Continue.

    Salamat.

    -K


    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala po akong baraha o bolang kristal. Pero salamat po :)

      Delete
  4. Ang aking kumpanya ay handang magbigay sa iyo ng anumang uri ng pautang na iyong pinili kung maaari kang magbayad pabalik sa pagbabalik. Ang aming rate ng utang ay nababaluktot habang ibinibigay namin ang aming mga pondo sa pautang sa isang 3% na rate ng interes. Kami ay isang maaasahang tagapagpahiram at tinitiyak namin sa iyo na kung susundin mo ang aming hakbang sa hakbang na pamamaraan makakakuha ka ng iyong utang na aprubado at mailipat sa iyo. Huwag makipag-ugnay sa akin val: rebbecadonaldloancompany para sa higit pang mga detalye at kung paano ito gumagana
    Pinakamahusay na alang
    Mrs.Rebecca

    ReplyDelete
  5. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete