Sa Kawalan - Munting Tela ng Ligaya't Alindog.

Alas-nuebe ng gabi.

Napaka-lamig ng paligid.

Sa Kawalan.

Papunta ako sa gusali kung saan nagta-trabaho. Nag-lalakad at sa ilang segundo ay nasa opisina na ako. Alas-sais pa ng umaga ang uwian. Tama, Call Center. Isang lugar kung saan ang mga empleyado ay niroromansa ang buwan, kapalit ng pambayad Meralco, utang, diaper, pambili ng Siomai, masahista, mga babaeng gumagawa ng kababalaghan, at marami pang mga bagay. Para kaming mga nagbebenta ng saya, call boys/girls - sa gabi gumigiling, sa umaga ay nahihimbing.

Kaka-pasok ko palang. Sinalubong ako ni chief para mag-inspect ng bag. Si chief nga pala ang security guard ng kumpanya. 'Pag lagpas ko sa kanya - matapos ang ilang yapak, ay di na ako mapakali. Wala na si chief sa paningin ko, wala nang nagbabantay sa'kin. Kailangan kong mag-patuloy sa elevator, mag-isa. Sana ay may mga kasabay.

Kaso wala.

Pakiramdam ko ay may sumusunod sa aking di ko nakikita. Para bang naka-kubli sa hangin - kanina pa, mula Sa Kawalan.

Napaka-lamig ng paligid.

Tang-ina, kinakabahan na'ko.
Nasa loob ng elevator, mag-isa. Ako lang ang matter.

Nakaka-praning ang mag-tago, miski hindi ko alam kung kanino. Para bang nasa bingit ng di malamang elemento ang seguridad ko.

Bahala na si Batman.

Pag-akyat ng elevator na 'to sa 4th floor, apat na tumbling nalang ang layo ng opisina namin. Ang sarap isipin.

Pindot, pindot, pindot. Tadtarin ng pindot.

Hindi ko alam kung bibilis ang pag-akyat ng elevator kapag tinadtad ko ng pindot ang number 4. Nagbabaka-sakali lang naman, baka bumilis ang walangya. Konting tiis pa, dadaloy din ang ginhawa. Makakapasok na sa sariling opisina, kung saan ligtas mula sa kanya, sa kanila - mga bagay na di ko nakikita.

Apat na tumbling.

Pag-silip sa salamin, nakita ko sa loob sina boss at mga kasamahan. Papasok na'ko.

Hindi ko gustong may kasama at mas madalas ay makikita mo kong mag-isang nag-tatrabaho sa harapan ng PC. Mas sanay akong kapiling ang musika kaysa sa kanila. Pero para lang sa pagkakataong ito, ayaw ko munang lumayo mula sa mga ka-trabaho.

Sa wakas, ligtas na - kahit papaano.

Ligtas. Pero kung aabutin ka nga lang ng dalawang kilong kamalasan, makalipas ang ilang minuto ay dumating ang oras ng break. Hindi maiiwasan ang pag-alis nila para humithit ng yosi - at hindi ako nag-yoyosi.

Maiiwan ako, tangama. Kailangan kong gumawa ng paraan para makahanap ng ibang lugar na mapag-tataguan. Kailangang maghanap, mag-lakad. Baka nasa paligid lang siya, o sila. Kinakabahan na naman ako. Shutang-inamesh.

Napaka-lamig ng paligid.

Habang naglalakad, di ko mapigilang maramdaman ang mga matang sumusunod sa akin. Pilit akong nagmamadali, lahat ng naka-salubong ay hindi ko na binati.

Hindi naman ako suplado. Gaya mo, mas nalalapit ang hitsura ko sa Koko Crunch kaysa kay Coco Martin. Sa madaling salita, hindi ako gwapo - gaya mo pa din. Sadyang nakakapag-pabagabag lang ang mga oras kagaya nito kaya kailangan ko agad mag-hanap ng lugar kung saan ako pansamantalang makakakita ng kapayapaan. Nakakapag-pabagabag din na kahit sa isip mo lang binabasa ang 'nakakapag-pabagabag', nabubulol ka pa din.

Napaka-lamig ng paligid.

Banyo. Labinlimang hakbang mula dito ay may banyo. Mukhang kahit papaano ay ligtas ako sa loob ng kasilyas.

I-jijinggel ko muna lahat ng kabang nararamdaman ko. Sa isip ko ay di ko pa rin maunawaan ang mga bagay na gumagambala sa akin. Pumapatak ang bawat segundo, kasabay ay nauubos na din ang ihi ko. Kaunti nalang at kakailanganin ko nang umalis ng dito, muling maglakad kasabay ng mga aninong pinagtataguan ko. Ubos na ang ihi ko, tapos ko nang pagpagin ang mga bagay na dapat pag-pagin habang nakatingin sa kisame ng building. Ubos na ang patak at nakapag-tago na din ang dragon, pero ang nararamdaman ko.. di ko maitago.

Andyan na siya. Andyan na sila. Ayokong abutin dito ng umaga. Miski pa puno ng pangamba, ang trono ay lilisanin na.

Sapat na ang sandaling nai-tahan ko dito, paalam banyo.

Napaka-lamig ng paligid.

Lakas loob akong lumabas ng banyo, muling tumakbo sa kung saan man pwede maging kampante.

Tangina! Fire Exit! Ang banal na pintong hindi pwedeng hawakan miski pa sinong empleyado, pwera na lang kung kung may drill ang opisina at gusto mag-ingay. Dito lang ako ligtas, maaaring di nila ako hahanapin dito. Ng mga elementong pinagtataguan ko.

So, dito nalang muna ako. Fire Exit. Mukhang wala namang hudas na pipiliing tumambay dito maliban sakin. Napakadilim, ang tanging ilaw lang ay ang liwanag na dala ng munting uwang sa pintuan. Binibilang ko ang mga segundo, hanggang sa maging minuto't ubusin ang mga nalalabing oras ko. Panandaliang kalmado ang mga bagay, gayunpaman ay giniginaw pa din ako.

Mula sa munting puwang ng liwanag ay may narinig akong boses..

'Bongga!', sigaw ng bakla kong ka-trabaho nang makita niya ako sa loob ng Fire Exit.

Nagulat ako.

Sa kaba, muli akong tumakbo at kumaripas papalayo. Maaaring isa siya sa mga elemento.. Takbo. Papalayo.

Napaka-lamig ng paligid.

Lumipas ang oras, mag-isa. Sa wakas, uwian na.

Agad kong hinanap ang mga labasan, ang mga pinto. Ang elevator pababa sa Ground Floor. Nakita ko si chief, buong pag-mamadali kong pinakita ang laman ng bag ko para sa inspection. Makakalayas na ko sa lugar na 'to! Matatakasan ang mga mata't, maginaw na paligid.




Alas-sais na ng umaga, nakikita ko na ang sikat ng araw at ang takot na nararamdaman ko ay dahan-dahang na-convert sa saya. Pucha, uwing-uwi na ko.

Napaka-lamig ng paligid.

Pag-dating sa bahay, agad akong umakyat sa kwarto.

Wala na ang pakiramdam ng mga matang sumusunod.
Wala na din ang lamig sa paligid.

Tang-ina, ang hirap pala pag nabutasan ka ng pantalon sa bandang birdie.
Habang napa-praning ka sa mga matang nakatingin sa'yo, napakalamig din dahil tumatagos sa Carter brief ang hangin. Parang erkon, buti nalang nakauwi na. Di ko malilimutan ang mga nangyari kagabi. Napakalamig..

 Rakenrol.


____
Halaw sa mga tunay na pangyayari sa buhay ni Pal



Salamat sa pagbabasa. Para sa mga suhestyon at reklamo, marapat lamang na maglagay ng mga hinaing sa ibaba (Comments Section). Yung mga gusto mag-rekwes ng topic, nasa baba ang link ng Facebook account ko. Balik kayo next week!

I-share sa mga may balak kitilin ang sariling buhay at wala nang makitang kasiyahan.
Pag-ibig Ang Lunas.

-Pal
FB | Photography




Remember We Forgot

5.18.2014
Davao
Find Me: David Gates


She's everywhere. An entity less than the deities.


Bored.
No, actually I don't know what I feel today.
I just want to stay inside this coffee shop and wait 'til the day fade.
Plain poem awaits the sheet.
It's an intercourse of perspectives, a pool of monsters I failed to defeat.
My soul evaporates as she throws every remaining 'me' - oh caramel.
Boulevards. Terminals. Clouds. Islands. Motor hotel.
Her smell occupies more than its share of mental capacities.
She's everywhere. An entity less than the deities.

Gouge out thy eyes and go forth blind.
I miss every detail; every strand, every line.
She haunts me.
Her picture is real more than any reality.

I must take my pill.
Remaining line we share. This is the final dare.

'Remember we Forgot'







Palaplap Origins: The Last Hair Strand

4.06.2014
Davao

Nau-utot ako.

Tumatagos sa munting yero ng boarding house ko ang pagpapa-pansin ng araw. Kuma-kaway mula sa labas ng bintanang yari sa palotsina.

Mala-turbo broiler ang kwarto kanina, mamen.

Nandoon lang ako. Parang manok na ayaw lumambot sa loob ng turbo broiler, number 4. Ramdam ko ang pawis na tumutulo mula sa malapad kong noo, dumadaloy at dinidiligan ang pundang unan - na kalaunan ay magiging isang mapa ng nabuong pawis, luha, at paminsan-minsang laway. Tak-takan mo lang ng asin, paminta, at kaunting Aji-no-moto, pwede mo na akong gawing sawsawan ng kropek. Sa mga nagtataka, hindi po ako mahilig gumamit ng bentilador. Pakiramdam ko kasi, isang kilo ng alikabok ang ina-almusal ko sa tagal nang panahon mula nung huli kong linisin yun. Kapag dumikit ka sa electric fan ko, para ka na ding nagpa-henna tattoo.

Kung magkaka-girlfriend ako ngayong taon, dapat marunong mag-baklas ng electric fan, at maglinis nito.
Pre-requisite yun.

Tinalo ako ng turbo broiler. Ayokong mamatay sa heat stroke, masyadong tunog-mayaman para sa hitsura ko. Kalaunan ay sumuko din ako at nag-pasyang bumangon bago pa man himatayin. Wala na'kong nagawa kundi ang maligo, lumabas ng boarding house, at magpa-erkon sa mall. Isang tumbling lang naman kasi ang distansya ng mall mula sa boarding house na tinutuluyan ko. Hanggang ngayon ay nandito, sa paborito kong bilihan ng kape, muling gagahasain ang isip kong tamad, para lang mag-sulat - Palaplap.

Noong isang linggo, na-feature/napag-tripan ako ng ka-trabaho/blogger na si Noel Yulo sa kanyang awesome blog. *Flattered*/*Sabog Confetti* Si Noel Yulo ang Batman ng Training Department sa opisina namin. Kung hanap mo ay matinong babasahin, subukan mong bisitahin ang blog niya't madami kang matututunang aral.


(BABALA: Siguraduhing sapat ang supply ng tissueng baon mo. English, brad.)



Sa blog niya, naitanong kung saan ba galing ang palayaw kong, 'Pal'.

Sa mga di po nakaka-alam, ang tunay ko pong pangalan ay 'Alvin'. Sabi ni ermats, halaw ang pangalan ko sa sikat na basketbolero/artista noong early 90's. Maputing lalaki at alas ng Purefoods, MVP at mataas tumalon. Malas lang at hindi ako magaling mag-basketball, lalong hindi din ako mukhang artista. Hawig ko daw si Derek Ramsey, sabi nung huling taong nangutang ng pera sakin.




Kukunin ko na din ang pagkaka-taon para ipakilala ang sarili ko.

Matagal na din akong nagsusulat at oras na siguro para miski papaano ay magbukas ako ng bahagi ng napaka-simple kong buhay. Medyo Narcissistic, kaya paumanhin.
______________________________________________


Disclaimer na wala sa lugar: Self-centered ang blog post na 'to.

Kung 'magkaibigan' tayo sa Facebook, marahil ay alam mong 'Palamunin Lang' ang pangalan ko. Palamunin, 'Pal' for short.

Sa isang munting pamantasang sa Muntinlupa ako nag-aral. Sa mga matagal nang nag-tatanong, hindi ako nag-aral ng Journalism o anupamang may kinalaman sa pag-susulat. Pero tambay ako sa kwarto ng grupo ng publikasyon ng campus, at hilig ko ang magbasa, lalo na ng mga akda ni Jun Cruz Reyes (sumulat ng maikling kwentong 'Utos ng Hari'). BS-Psychology po ang kursong tinapos ko; kurso ng pilosopo, baliw, at mga manghuhula, sabi ng nanay ko. Grumadweyt ako ng hayskul kasama ang mga elitista, nakaka-OP. Sa kolehiyo naman, either dukhang matalino/magaling sa sports, pinipilit para sa diploma, tangang mayaman na nagtitipid, fanatic ni Freud, o Jejemon ang kaklase ko - pili ka lang sa lima. Sa limang taon sa Sikolohiya at tatlong OJT setting, isang bagay lang ang natutunan ko:

Mas malaking mental hospital lang ang labas ng mental hospital.

Swerte pa din sa Pamantasan. Ang tuition sa pamantasang ito ay sagot ng gobyerno kahit papaano. Sa isang buong sem ay 1,300 Php lang binabayaran ko. Para makapasok, sasakay ka ng tricycle, jeep, jeep ulit, lalakad ng sampung minuto sa ilalim ng tanghaling mas tapat pa sa boypren mo, at mamumuhay kasama ng mga kaklaseng karamihan ay working student din. Mga kabataang alam ang importansya ng sakripisyo para sa edukasyon. Mga estudyanteng halos gustong manapak kapag walang klase, lalo na kung irregular. Yung mga silid aralan, malalaki ang bintana, sira kasi ang mga bentilador. Kung totopakin mang gumana ay parang anesthesia lang - wala kang mararamdaman. Maaawa ka din sa mga kaklase mong kasabay mong pumasok nang alas-siyete ng umaga, at mag-aalmusal ng alas tres ng hapon - para lang makapag-tipid. Namulat ako sa kamalayan ng mga uri ng lipunan, at naging interesado sa mga asignaturang wala sa loob ng silid aralan. Sa murang edad, naging abala ako sa pag-tuklas ng mga kilusang nais mag-hain ng pag-babago, dulot na din ng guro ko sa Sikolohiya ng mga Pilipino. 

Naranasan ko ang sumama sa paborito kong guro sa isang 'field trip' sa malayo. Maglakad sa dilim nang naka-piring, habang may mga kalalakihang nag-kakasa ng baril at bumubulong sa hangin na kapag hindi ako nag-tino, pwedeng-pwede akong i-tumba sa dilim. Lahat ng santo, dadasalan mo. Kung di ka marunong matakot ay mararanasan mong matakot. Rakenrol lang, kaya hanggang ngayon ay buhay pa.

Walang mapag-libangan sa lugar na ito kundi libro, sandok, radyo at gitara. Pwede nga ang cellphone, pero bawal naman i-on. Dito, naranasan ko ang kumatay at ng mga hayop na kailangan mong maging kalaro ng mataya-taya bago mo pa mailuto. Namatay ka na sa gutom bago ka pa hingalin. Payak ang pamumuhay sa munting komunidad. Walang lamangan sa isa't-isa at lahat ay may pagkain sa hapag.

Sumapit ang gabi. Patay na dapat ang mga ilaw. Walang pwedeng lumabas nang walang pahintulot ng mga katoto. Maraming mata sa labas. Delikado. Wala akong nagawa kundi kunin ang radyo (walkman), at maghanap ng pwedeng mapakinggan. Hindi ako sanay na matulog ng maaga.

Sina Tado, Ramon, at 'Erning' ay mga DJ sa radyo noon para sa isang himpilan ng radyo tuwing gabi, alas-9 hanggang madaling araw. Kolektibo silang kilala bilang 'BrewRATS'. Matatas at may kahulugan ang mga salita ni Tado sa radyo. Naging interesado ako sa kasaysayan niya, at sintang paaralan ng PUP. Nang makabalik ako sa patag matapos ang dalawang gabi sa field trip, ay hinanap ko agad siya - at natunton ko kung saan ang pinagtatrabahuhan niyang istasyon ng radyo - sa Boni, EDSA.

BrewRATS. Photo by Chicco Orange


Naging 'achoy' ako ni Tado sa sandaling panahon, kasama ang iba pang mga kabataang nakilala ko din mula sa mga kabarkada niya. Kahit papaano, naging taga-bili ng pandesal, taga-tawag kay 'Boyong' (Service Tech sa istasyon ng Radyo), at taga-pakinig ng kwentong PUP niya pag-tapos ng programa nila, lalo na kapag tinatamad pa siyang umuwi. Paminsan-minsan din akong nabibiyayaan ng mga perks gaya ng libreng CD, produkto mula sa mga guest, at ticket sa mga events. Napakasaya kasama ni Tado, hindi mo iisiping artista siya. Parang kapitbahay mo lang at kakilala.

Masaya na ko noon kapag nabasa ng BrewRATS ang papel ng mga pabati ko sa radyo. Sa unang beses na humiling ako kung pwedeng batiin ang mga kaibigan ko sa Pamantasan, isinulat kong 'Hello to all students of PLMUN.' (Ang ibig sabihin ng PLMun ay Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa) Pero dahil si Tado ang nag-basa, ang nasabi niya ay PALAMUN.

Doon nag-simula ang bansag na Palamunin. Kahit negatibo ang konotasyon, ipinagmamalaki kong si Tado ang nag-bigay sakin ng pangalang hanggang ngayon ay di ko binibitawan.

Sa bahay, ang pangalan ko ay 'Abby' kapag may pabor sila, 'Albino' naman kapag may utos. Sa opisina at mga katrabahong modelo, photographer at cosplayer, 'Pal' ang tawag sa akin ng lahat.

Ang sakit na talaga ng tiyan ko, ijejebs ko nalang muna 'to.

Uwi na ko. Kita-kits bukas, Manila.


_________________________


Salamat sa pagbabasa. Para sa mga suhestyon at reklamo, marapat lamang na maglagay ng mga hinaing sa ibaba (Comments Section). Yung mga gusto mag-rekwes ng topic, nasa baba ang link ng Facebook account ko. Balik kayo next week!

I-share sa mga may balak kitilin ang sariling buhay at wala nang makitang kasiyahan.
Pag-ibig Ang Lunas.


-Pal




Mahal na Araws.


Burp.

Salamat po sa patuloy na pagta-tiyaga sa blog na ito. Sunod-sunod po ang nakukuha kong mensahe sa Facebook, mge requests, at mga pambobolang nagbibigay ng suhestyong gwapo ako miski 'virtually' lang. Mga posts sa timeline ko para magparating ng suporta - miski kakaunti pa din ang mga komento sa aktwal na blog, as usual. Magkagayunman, salamat pa din sa lahat ng mga taong nagshe-share nito sa mga kaibigan nilang inosente at walang kamalay-malay. Sinisira niyo din ang buhay nila. Salamat, at dumadami na tayong mga wirdo. *insert evil laugh here* Rakenrol

Sa mga gusto maka-receive ng update at magsubscribe via SMS, paki pm sa Facebook ko ang mga numbers ninyo. Susubukan kong gumawa ng group sa phonebook ko para isang GM nalang. Salamat sa suporta, simulan na natin ang blog bago pa tuluyang humaba ang introduction.
____________________________________________

May matalik akong kaibigan, itago nalang natin sa pangalang 'Neknek'.

Kakauwi lang ni Neknek sa probinsya ng Bacolod last week. Siya yung kaibigan kong na-assign din dito sa Davao para mag-train ng mga nangangarap masali sa malawak na sementeryo ng call center. Mga taong gustong dumanas ng graveyard shift at nagnanais maging zombie, kapalit ng pera sa experience.

Lingid sa kaalaman ng nakakarami, kaya ni Neknek makakita ng mga bagay na hindi pang-karaniwan. Mga white lady na pwedeng sub kay Kris Aquino. At, mga namatay nang walang baong mapa - mga ligaw na kaluluwa. Sanay na si Neknek sa mga bagay na hindi mo pipiliing makita, lalo na sa gabi at mga panahon ng pag-iisa. Iniisnob na lang ni Neknek ang mga 'Junjun' sa opisina, at sa condo kung saan siya tumira.

Daig pa ni Neknek si Andres Bonifacio, atapang-a-tao, hindi a-takbo.

Sa tuwing magkasama kaming dalawa, lumalabas ang kulit ng lahi ko sa dami ng tanong ko tungkol sa mga multo, kapre, duwende, nasaksak, nabaril, nahulog sa kanal at kung ano-ano pa. Sasagutin niya lang ako ng dalawang takal na tawa, at isang kutsaritang paliwanag at pag-unawa. Malas lang, malabo pa sa tubig-kanal ang pag-asang mare-assign dito si Neknek at mukhang hindi na masasagot ang mga tanong ko. Sigh.

(Sa mga nagtatanong kung kailan ang second part ng Si Kwan. 28 Uri ng Kaklase sa Hayskul.
(Part I), 
hindi ko pa po alam, bahala na si Batman.)
*****
2 weeks from now, Mahal na Araws na. (Madaming Araw kasi).

Ngayon ko naisipang gumawa ng blog tungkol sa Holy Week dahil may pag-asang nasa outing kami sa mga panahong iyon. Mapupundi nanaman ako sa iba't-ibang recipe na nagko-conclude lang ng isang bagay: isda/gulay ang ulam namin sa bahay at sadyang napaka-lupit ng mundo sa palad ng tatay ko at kawaling hawak niya. Bukod pa diyan, siguradong may local channel na magpapalabas ng 10 Commandments, mga replay episodes ng gasgas na anime, Barbie, at baduy na teledramang kinagat ni inday. Mabuhay ang Internet.

Nag-eexpect na din ako ng mga kwento ng himala at pagsisisi sa TV. Mga balita ng mga batang sinapian, dahil malakas daw ang kapangyarihan ng kasamaan sa ganitong panahon. Isali mo na din ang nanay mong parang sinasapian kapag pinipilit kang maligo bago mag-alas-tres ng hapon. Galit na galit, para bang automatic na matutuyo ang tubig sa sangkalupaan pag dating ng alas-tres. Bawal na pumasok ng banyo pag-lagpas ng alas-tres, maliban na lang kung najejebs o gusto mo kiligin. Bawal ka din masugatan, matagal daw gagaling. Eh paano kung alas-kwatro ay masugatan/masaksak ako? Paano ko huhugasan yung sugat ko? Mauuna pa ata akong mamatay sa impeksyon kaysa sa pagka-ubos ng dugo. Napakadaming pamahiing hindi ko sinusunod miski pa Catholic School ako pinalaki. Hindi ko ma-digs. Sarap kaya maligo sa gabi pag-tapos pumapak ng Chicken Joy habang nanunuod ng Exorcist.

Mahal na Araws. Perfect chance para maka-usap si Neknek tungkol sa mga paranormal na bagay, multo at mga sinasapian. Alam niyo bang ilang beses na kong napagkamalang may anak dahil may mga trainees kaming nakita akong may kasamang bata sa hallway at nakahawak daw sa kamay ko? At, bawal ang bata sa prod at wala po akong anak. Creepy. Neknek, kung makaka-balik ka lang dito, susulitin ko na ang mga tanong ko sa buhay na gusto ko ipa-sagot:

1. Nagdadaan pa ba sa puberty stage ang mga kapre? Kung oo, ano'ng gatas ang ininom nila noong bata pa sila? At, saan ang suking tindahan para sa yosi nila ngayong mga matatanda na sila?
2. Banned ba ang Kapre dito sa Davao? Bawal kasi ang yosi dito, lagot sila kay Duterte.
3. Hindi pa naman sikat ang gluthathione dati, anong sabon ng mga white lady at palagi nalang silang maputi sa mga episodes ng Magandang Gabi Bayan noon? Belo ba, o Calayan?
4. Tide din ba ang sabong pan-laba ng mga white lady para sa bistida nila? Bakit minsan lang sila magpakita? Dahil ba wash-and-wear ang suot nila? Tangina, parang anime lang.
5. Speaking of bistida, hindi kaya white lady din si Jesus? Kung black lady naman, nakakapag-rap din ba sila?
6. May nuno ba talaga sa punso? O colony lang ng anay sa pinagpatong-patong na jinggel, lupa, putik, pupu ng pusa at matatandang pamahiin? Kung masama wasakin ang bahay nila dahil magkakasakit ka ng malaking pigsa sa pwet bilang parusa, sinong pinaparusahan ng mga nuno kapag nasisira ang punso nang dahil sa baha? Yung ulap? 
7. Saan mas madaming kita ang kaluluwa, sa sementeryo o sa mga bar na may ilaw na pula?
8. Mayroon ba talagang multong bakla? Diba dapat manananggal ang tawag sa kanila? Manananggal ng lakas?
9. Bakit Junjun palagi ang tawag sa mga multo sa mga call center? Pre-requisite ba na may batang multo sa lahat ng call center? Hindi ba pwedeng turuan na lang din sila mag-calls para di magkaletse-letse ang staffing? Malay mo, sa tagal nilang nananatili sa floor, mas kabisado pa nila yung call flow kesa sa mga tenured.
10. Pwede bang matakot ang multo sa kapwa niya multo? At makakakita din ba ang multo ng kapwa multo miski wala siyang third eye?
12. Kung may third eye ako, makikita ko ba yung ispirito ng coke na walang lasa?
11. Paano kapag nagka-mens yung white lady? Saan siya tatakbo? Red lady na ba siya kapag dinatnan siya? Kung multo siya pati ang bistida, tatagusan ba ang term, o double tatagusan?
13. Bakit nauna yung 12, kaysa 11?
14. Bakit ngayon mo lang napansin?
15. Bakit palagi nalang sa Urban Poor at Probinsya galing ang mga news tungkol sa mga sinasapian ng Mahal na Birhen, Santo Niño, Nazareno? Hindi ba pwedeng galing La Salle/Ateneo para conyo naman minsan?
16. Bakit parang sinasapian ako noong binubunutan ako ng ngipin sa bagang? Umaalog yung operation table nung dentista. Ayaw mabunot ng ngipin ko. Mukhang exorcism session na yung simpleng pabunot ng ngipin. H2O-ly (Holy Water) nalang ang kulang.
17. Bakit may tikbalang sa Showtime? 

Hindi ko alam. Madaming misteryo ang mga patay at mga bagay na di nakikita.

Minsan, mas maigi na din sigurong walang paki-alamanan ng buhay patay. Gawin nalang inspirasyon sa pag-susulat ng komedya at satirikal na komento para basahin ng mga taong imbis na may gawing makabuluhan ay nagbabasa nitong blog na 'to.

Misteryoso ang mga patay...
..pero mas madaming misteryo ang buhay. 

Kabilang sa mga misteryong yan ang mga taong sasakay ng jeep, uupo sa pinaka-dulo, at magpapa-abot ng bayad miski pa alam nilang sa unahan ka naka-upo. Putang-ama nilang lahat.

Misteryo din kung bakit ganito:


Misteryo ko ding nakikita kung bakit hanggang ngayon ay di pa din ako nakaka- bili ng ticket pauwi ng Manila (April 1 balik ko dyan mga tsong! ;), miski pa pina-utang na ko ng nanay ko ng pamasahe. Misteryo din ang apilyido ni Rey Mysterio.

At higit sa lahat, misteryo na din siguro kung bakit ganito ang title ng blog ko kahit puro katarantaduhan ang nakasulat. Ni hindi ko nga alam ang petsa ng Mahal na Araw. Basta ang alam ko, dapat may bonus para sa aming mga uring manggagawa at peti-burgesya.


Hindi ko alam kung kailan ang Mahal na Araw.
Ang alam ko lang, Mahal kita.. Araw-araw.

Salamat sa pagbabasa. Para sa mga suhestyon at reklamo, marapat lamang na maglagay ng mga hinaing sa ibaba (Comments Section). Yung mga gusto mag-rekwes ng topic, nasa baba ang link ng Facebook account ko. Balik kayo next week!

I-share sa mga may balak kitilin ang sariling buhay at wala nang makitang kasiyahan.
Pag-ibig Ang Lunas.

-Pal


Si Kwan. 28 Uri ng Kaklase sa Hayskul. (Part I)


3.23.2014
Davao

Hehe.

Pasensya na at ngayon lang ako ulit nakapag-update ng blog. Naging abala sa trabaho at sa pag-tulog. Samahan mo na din ng kape araw-araw para masilayan ang paboritong barista. Mabigat mag-dala ng laptop kaya nakakatamad dalhin sa opisina, tapos iiwan mo pa sa guard pagkat bawal ilagay sa station. Halos zombie na din ako after work kaya wala na talagang pag-asa makapag-type. Di kasi ako sanay na may draft bago i-publish, rekta na - para masarap. Kaya kung di ko matatapos ang isang blog post sa isang sulatan, di ko nalang sinisimulan.

Yung mga nagrerekwes ng blog tungkol sa pag-ibig, wala akong pag-ibig ngayon.
Pasensya na, single lang. Di ko nga lang alam kung by choice, o kinarma.
Baka next blog siguro.

_________________________________________________

Kanina, nakita ko si Kwan..

..yung kaibigan ko sa Facebook, kasama sa mga inaamag sa friend list ko miski wala kaming kahit anong klase ng interaction, pero di ko alam/maalala kung kakilala ko ba talaga o paano. Basta inadd ko lang o inadd lang ako.

Sigurado, meron ka ding ganito. Mga taong naka-add sa Facebook mo miski di mo kakilala. Di mo naman mabura kasi either chicks, o pwedeng bigyan ng link kapag may ipapa-like ka. Kung ayaw mo maniwala ay tignan mo ang mga taong online sa chat menu. Kakilala mo ba lahat? Taong di mo alam kung kaklase mo noong Elementary, Hayskul, o College, o mga babaeng napag-tripan mo i-add kasi may cleavage, o napag-tripan kang i-add kasi mukha kang tao sa profile picture mo. 

Sa kaso ko, pakiramdam ko ay puro kaklase/ka-iskwela ko noong araw ang nag-aadd sakin sa Facebook. Gustuhin ko man, di ko sila ina-accept lahat dahil may iba't-ibang topak kami sa buhay. May mga trip silang di ko trip, at vice versa.

Nerd daw ako nung nasa unang mga taon ako ng hayskul. Wala nga lang akong salamin at braces at ayoko din ng numbers, kaya di ako certified nerd. Sa break time, di ako nakain. Either nagbabasa ako ng libro o naglalaro ng Pokemon Yellow sa Gameboy Color. Since Catholic school yun, na medyo public ang itsura sa dami ng kaklase, nasa trenta ata kami mahigit?

Sa halip na makisama ako sa trip ng iba, mas gusto kong makinig sa kanila at mag-obserba. Ganyan ako ka-wirdo.

Eto ang resulta ng pag-oobserba:


28 Uri ng Kaklase sa Hayskul: Part I

1. Si Pres. - Ang responsable at kailangang sumipsip para sa recognition day. Ang dakilang achoy ng class adviser. Sila yung mga taong ligtas sa 'Noisy' list kasi sila yung nasa harap ng board at naglilista. Akala mo kung sinong pipe na hindi marunong magsalita. Tuwing English/Speech class, tiba-tiba sila ng treasurer sa dami ng nakokolektang 50 centavos per Tagalog word. Natatawa lang ako minsan kung bakit di sila naka-lista sa 'Standing' list, e nakatayo naman sila diba? Piso kasi kapag standing, pwera na lang kung najejebs ka na.



Ang sarap tignan kapag bentang-benta yung pangalan mo sa black board, lalo na kung di mo alam ang spelling. Hanggang ngayon, naiisip ko kung naka-magkano sila ng kolekta sa buong panunungkulan nila noon. Siguro dito din nagsimula ang korapsyon sa sistemang politikal - na kapag may mali ang tao, pwede mong suhulan ng pera ang nasa taas. Parang 50 centavos per Tagalog word policy.

2. Buraot. - 'Pengeng wanport', 'pa-tikim naman ng baon mo', 'may bolpen ka pa?', 'pa-kopya naman', 'peram dos', 'pa-review sa 'xerox' mo, 'makiki-print sana..' 'pa-lagay naman sa locker' - mga linyang gasgas na mula sa kanila. Sa klase, siguradong may isang taong anak ng dios. Kulang nalang hingin sa'yo ang baon mo sa araw-araw at kung mamalasin ka, pati pang tuition niya next year kung siya pa din ang kaklase mo. Walang kahit ano, nag-enroll para mamburaot ng kaklase. Ang nakaka-inis pa, sila ang mga taong madamdamin miski di naman nagbabayad ng utang. Kung may kakilala kang ganito, paki share sa kanya ang blog.

May female version din ang mga buraot. Sila yung mga sali nang sali sa mga contest at beauty pageant. Tapos bebentahan ka ng ticket, na kadalasan ay limang piso, hanggang sa mapuno ng ticket ang mga bag ninyong magkakaklase. Ang kadalasang ending, mukha kang konduktor sa bus sa dami ng makukulay na papel na meron ka. Miski di kadalasang maganda, mataas ang self-esteem ng mga buraot. Ang sarap lang nilang barahin ng, 'sasali-sali ka diyam, wala ka naman palang pera.' Isali na din natin dito yung mga namimigay ng sobre kasi palaging may deds na kamag-anak, o para sa church - Bumenta na sakin lahat yan.

3. The Var-Tee-Si Player - Sporty/Pogi/Talk-of-town/Matangkad/Mambobola/Habulin ng Bading/Bading na Paminta/Bading Mismo kung Volleyball Player/ Kawawa ang labandera/ Malibag ang Batok kung walang covered court ang school niyo. Mga taong magaling sa bolahan. Yan ang mga Varsity. Di ka ba nagtataka? Wala atang varsity player ang nagiging single nang higit sa isang taon? Bakit? Di ko alam. Wala naman atang babae ang hindi naaakit sa magaling magbasketball. Ang alam ko lang, masarap siguro maging varsity kasi excused ka sa mga quizzes at recitations, tapos chikboy ka pa - pwede sa Chik, pwede sa Boy. Ako, wala akong alam na larong may kinalaman sa bola kaya bumagsak ako sa P.E. Palibhasa Jolens lang ang nilaro kong bola nung bata ako.

4. Bully. - Minsan buraot, madalas bully lang talaga. Mga taong hindi kayang magwala sa bahay nila kaya sa iskwela nagmamatapang. Di naman matalino, tapos may behavior issues pa. Paano nakakakuha ng clearance galing sa Guidance Office ang mga taong gaya nila? Ako nga hirap na hirap kumuha ng clearance kasi may balbas daw ako at mahaba ang buhok. Tangina. Paano na lang pala kapag bumaba si Jesus mula sa langit at sa school namin nag-enroll? Kailangan din ba niya magpa-clean cut? Kailangan din ba niya hubarin ang white magic palda niya na nilabhan gamit ang Tide with Downy Isang Banlaw,  at mag-conform sa black pants?

Nakaka-apekto ba sa talino yung long hair ko? Hindi. Pero yung mga bully, nakaka-demotivate ng mga estudyante para wag nalang pumasok.

Na-bully din ako nung hayskul, di yun cool. Sayang lang at parang wala namang matinong aksyon ang gobyerno sa ganitong klase ng sistema. #AntiBullying Malas lang din at nasa circle of friends at support system nila ang mga clowns ng klase </3




5. Ja-pok. - 'Alam niyo ba kung bakit mababa ang lipad ng mga kalapating mababa ang lipad? Kasi may naka-dagan.' Yan ang sabi ng dati kong teacher sa Values Education. Ang Ja-pok ay para sa mga babaeng kaklase na walang matinong alam gawin sa katawan nila. Palaging nasa inuman, bihira pumasok o kaya ay palaging late dahil puyat. Di din naman katalinuhan ang mga ganitong klase ng kaklase. Minsan na nga lang pumasa, sa pregnancy test pa. Kasama sa school supplies nila ang foundation, lipstick, eyeliner at extra cellphone. Kung makikita mo naman sila sa labas, nakapang-gahasa shorts lang o kaya mini-skirt. Swerte kung walang barya.

6. Mga Anak ng Pusa. - Sila yung mga kaklaseng halos di mo kakilala, o sa umaga mo lang nakikita. Mga batang nagka-cutting classes. Mga kuting. Yung mga magulang nila, hindi alam kung saan pupulutin ang pera ng nagpapayaman sa mga computer shops at bilyaran malapit sa school. Yung walang katapusang projects at print-outs, daig pa ang may thesis. Kung medyo mayaman, nasa mall para magpa-erkon at umorder ng siomai habang nagsasayaw, nagkakaraoke, nagTetekken, basketball o kahit anong laro na kailangang gumastos. Noong hayskul pa ko, nagre-raid pa talaga ang adviser namin sa mga bilyaran at computer shops. Kukumpiskahin ang id, tapos ipapatawag ang magulang para i-claim.

Remember me?


At dahil mahilig ako mag-observe, nag-cutting classes din ako minsan para malaman ang mga ginagawa ng mga nagka-cutting (biro lang, nag-cutting ako kasi nawawala ID ko at ayaw ako papasukin ng gwardya sa school namin) Dyahe, ubos ang pera ko sa computer. Ragnarok pa noon ang iskoran at kayamanan ko nang itinuturing ang mga top-up card na sikwenta pesos. Isang beses lang naman ako nag-cutting, pero napamahal na agad ako kay Kafra, sa Gunbound at Aduka Wars. Ang saya ng araw na yun, lahat kaibigan ko. Pero saka na ang saya dahil swerte pa ko sa nakatapak ng tae - may raid nung araw na yun at nahuli ako ng matandan hukluban kong adviser. Si Gerlie Rellosa. Ipinatawag ang magulang ko, kinausap ko si papa pag-uwi ko ng bahay.

Ako: Pa, punta daw kayo school bukas sabi ng adviser ko.
Papa: Bakit daw? May ginawa ka nanamang kalokohan no?
Ako: Wala. Baka ikaw may ginawa? Ikaw pinapatawag e.
Papa: #$#@^* **#~!

7. Know-it-all: Albularyo, Boka/Poser. - May naging kaklase ka na bang laging nagku-kwento ng tungkol sa probinsya? Na nakakakita siya ng mga bagay na di mo nakikita? Na yung kamag-anak niya ay may-ari ng isang malaking lupain/bukid/resort sa Siquijor? Na nakakita na siya ng manananggal? Kaya din niya magbigay ng reseta miski wala naman siyang kapamilyang doktor o nars, kaso herbal medicine. Kung meron ka mang kaklase na gaya nito, isa siyang albularyo.

Kung may kaklase ka naman na kung anu-anong gupit-barbero ang kwento, Boka ang tawag sa kanila. Sila yung mga taong daig pa si Bill Gates kung mag-kwento. Maubos na ang yaman, wag lang ang yabang. Kapag may kwento ka, sisingit sila at sasabihing may ganoon din sila/tatay/tito/kuya/uncle/tropa/kungsinomanghudas nila. Kung mag-kukwento naman ang boka tungkol sa mga karanasan, palaging biktima ang kawawang pinsan. Madalas, nagsisimula ang linya sa.. 'yung pinsan ko kasi...' Kung gusto mo sila mahuli, tanungin mo ang pangalan ng pinsan niya ngayong linggo. After a week, ipakwento mo ulit sa kanya at tanungin mo ang pangalan ng pinsan niya. Pusta ko leeg ko, magka-ibang pinsan na ang usapan dito.

Mahilig din sila sa self-proclamation.

Kadalasan silang magpapahaba ng buhok, sasabihing may banda sila (miski wala) at may hawak silang instrumento't nakasali na sa mga battle of the bands. (Bigyan mo ng gitara, miski 'Am' di alam.) Kapag tumugtog ka naman ng mabigat, makiki-jam sila dahil ang totoo ay hindi sila marunong mag-classify ng music genre. In short, Posero.

8. Gonna catch em all. - Nerd. Kung may kaklase kang naglalaro ng Pokemon, automatic Nerd siya. Pilitin niya mang mapunta sa ibang category, mangingibabaw ang pagiging nerd sa lahat ng pagkaka-taon. Yung ibang nerd naman, interested Science o Math, numbers at theories - mukhang T-square kumbaga. Masarap katabi pag may pop-quiz o di kaya quarterly exams.

Ayon sa majority ng mga pelikulang napanood ko, mge nerd daw ang type ng mga seksing bebot na may Rakenrol bitchy attitude. Pero based on experience, wag kayo maniwala. 



Yung babaeng nerd naman ang cute type ng nerd. Sila yung mga magaganda by default, pero pinili maging manang. Naka-palda, salamin, may backpack, braces, wirdo - voila. Sexy. <3

Madaling nawawala ang pagiging nerd pag-dating ng kolehiyo, maliban nalang kung ikaw yung Otaku type na nerd. Pang-habambuhay na yan halos kung Otaku ka. Lalo na yung mga nagsasalita na ng Nihongo miski wala naman kayong Asian Studies/Subjects.

Madaling palatandaan kung Otaku Nerd ang kausap mo:
Mag-bigay ka ng anime. Isa lang.
Bibigyan ka niya ng isang-libo, hanggang sa matameme ka't ma-guilty na inopen mo ang topic na 'to. Kung magkukwento man siya ng plot, may sound effects pa. Shing! Shung! Shang! - Angas! Dolby 5.something! Take Note: Iba po ang Otaku Nerd, at Retard. Salamat.

9. Yung may Strings sa Buto. - Nagkaroon ka na ba ng kaklase na sobrang sinamba mo ang guitar skills? Yung tipong tinitipa ang mga chords habang ini-imagine na acoustic guitar ang kanang braso nila?

Noong unang beses ako magka-gitara nung hayskul, nagpaturo ako kay Peter (ang John Petrucci ng klase). Malupit sa iskala si Pedro kaya naisip kong sa kanya magpaturo dahil mabilis ang mata ko sa pang-gagaya ng chords at tabs. Ang usapan namin, magdadala kami pareho ng gitara sa Biyernes noong linggong yun para mapa-igsi ang learning curve ko. Papayagan din kami dahil kasali sa MAPE ang Music.

Napakatino ng usapan, siya lang ang hindi.

May bitbit akong gitara nung PE day namin, laking taka ko't walang bitbit si Pedro.

Niyaya ko siyang gamitin ang gitara ko dahil mas madali ako matuto sa panunood. Tumanggi si Pedro. Sabi niya, tuturuan daw muna niya ko ng basic chords. Pumayag naman ako dahil libre naman ang tutorial, at ako ang humihingi ng pabor.

Noong nagsisimula na ang tutorial, nagtaka ako kung anong ginagawa niya sa kaliwang kamay, at kanang braso niya. Dahan-dahan niyang idinikit ang mga daliri niya sa kanang braso niya... Kala ko namamakyu ang tarantado. Sabi niya bigla, "G" to, ganito yung "G". Tapos "Em", tapos "C" ganito.. tapos..."

 Putang-ama, wala akong natutunan noong araw na yun. 

10. Ar-tits. - Ang alay ng klase sa mga poster making contests. Madalas na mas madaming medalya sa cabinet dahil sa mga contest kaysa sa mga academic awards.

Sanay sila sa mga linyang 'Pa-drowing naman', 'Marunong ka din mag-portrait?', 'Anong magandang lapis/skecthpad?', 'Nanunuod ka ng Hentai no?' at madami pang tanong na di mo alam kung saang balon hinukay. Kung manghihiram ang mga artists ng bolpen, wag mong asahang makakabalik pa. Kung manghihiram sila ng notebook, tignan mo agad ang last page ng notebook mo pagka-soli nila at makakakita ka halos ng replica ng mga 'How to Draw Manga' guidelines.

11. Chinita. - Either ang muse, o Pokwang ng klase. May dalawang uri lang ng Chinita:

a. Maling - Ang Kick-ass panget na Chinita. 100% China-made. Pokwangin beauty. Treasurer. Namamapak ng algebra. Bruise Lii.
b. Chin-chan-su. - Half-Chinita, Half-Whatever = Perfect Combination. Pwedeng modelo sa photo shoot, o billboard ng Chowking. Crush ng klase. Swerte ka kung matalino at hindi nga-nga.

12. Songbird. - Suki ng mga singing competition at Lupang Hinirang. Suki din ng mga gurong tinatamad pa magturo sa umaga kaya kailangan muna na may kakanta para kumain ng oras. Ang mga songbird ang vino-volunteer ng mga kaklase lalo na kapag may bisitang Principal na mahilig magtanong kung sino ang magaling kumanta. Sacrificial lamb kumbaga. Kung hayskul ka ngayon at nagbabasa ka nito, masasabi nating songbird ang kaklase mong di makapag let go sa 'Let it Go.' Utang na loob, let it go.

13. Keppapers. - Di sila ganoon ka-dami noong panahon ko, pero ngayon.. nagkalat na sila. Mga taong mahilig mag-selfie habang naka-pose ng Kuri-Korea. Kadalasang blonde, cute manamit, at may kakaibang trip sa buhay. Minsan din akong sumama sa ganitong grupo para makinig. Wala namang problema sa trip nila sa buhay. Ang ayoko lang ay ang mga shotaan circles nila, sila-sila din madalas.

14. Dalawang-Tabo. - Mga taong di pinalad magkaroon ng hygiene rituals at madalas na pumapasok na hindi man lang nag-toothbrush, hindi nag-shampoo, walang deodorant, at kung mamalasin, walang ligo. Mas malas ka kung ginawa nila ang mga bagay na 'to, at nagmatapang pang mag-pabango. Kung gusto mo makakita ng snow, tumabi ka sa kanila. Magsuot ka ng itim para mas evident yung snow. Kung gusto mo naman ng munting palayan, magbaon ka ng munggo. Tanim mo sa batok nila.

May masama ba sa mga taong gaya nila? Wala. Nakaka-apekto ba to sa pag-aaral nila? Hindi.
Sa mga kaklase, oo.

Share mo sa kanya kung may kakilala kang ganito.


___________________________________________

Ipagpapatuloy ang Numero 15-28 sa mga susunod na akda. :) Inaantok na ko.
 Maraming salamat sa pagbabasa. Share! <3

Para sa mga suhestyon at reklamo, marapat lamang na maglagay ng mga hinaing sa ibaba (Comments Section). Maraming salamat po, lalo na sa mga nag-papakain ng mga isda sa kanang bahagi ng pahina at mga di tumigil sa pangungulit para magsulat ako ulit. Yung mga gusto mag-rekwes ng topic, nasa baba ang link sa Facebook ko. Balik kayo next week! I-share sa mga may balak kitilin ang sariling buhay. Pag-ibig Ang Lunas.

-Pal