Anyare? Di ka ba Nagtataka?

10:13 PM PalamuninLang 14 Comments


Ako po si Pal.

jfotography.net

Hindi ako mahilig kumausap ng mga tao lalo na kung naglalaro ako ng Pokemon Y, o kaya kung kasama ko si Tin-tin (laptop ko). Paminsan-minsan, kapag lowbatt ang dalawa, hindi ko maiwasang mapag-isa at mag-isip ng mga bagay-bagay na gumagasta ng tinitipid kong brain cells. Medyo mahaba ang isusulat ko dahil magiging busy ako sa isang linggo, call-certification kasi ng mga trainees ko. Halina't samahan akong sayangin ang limang minuto ng buhay mo.

Karaniwan kong napupuna ang mga mali sa lipunan at nauubos ang oras ko sa mga tanong at pagtataka.
Heto ang ilan sa kanila:

1. Laking-Aircon Commuter - Di ko alam kung ako lang ang nakaka-pansin, pero sadya atang may mga taong hindi alam kung ano talaga ang gusto nila sa buhay. Noong nasa Makati at Antipolo pa ako, mahilig akong sumakay ng bus kapag bumabyahe, lalo na kung pabalik sa Laguna mula sa trabaho. Kapag galing akong GY (graveyard shift), di ko maiwasang sumakay sa air-conditioned bus sa umaga para maiwasan ang nakakapang-limahid na init ng araw, at foundation day ng EDSA. Sa loob nito, kasama ko ang mga laking-aircon commuter. Sa mga pagkakataong napapa-dalas, di ko maiwasang magtaka kung bakit pakiramdam ko ay may snow na ang bunbunan ko. Tangama, parang may nabubuo nang yelo. Unti-unti, sumasakit ang ulo ko. Titignan ko ang katabi ko sa bus at nalilinawan akong bigla sa mga bagay. Miski gaano pa kalamig, nag-iinit ang ulo ko. Indio de puta, sasakay kayo ng bus na may erkon, tapos itatapat niyo sa katabi niyo yung erkon kasi giniginaw kayo? Ang sarap niyo talian sa leeg ng kurtina ng bus.

2. Sawsawan. - Mahirap man o mayaman, ma-pride man o buraot, marahil ay nakasubok nang bumili ng mga pagkaing itinitinda sa presyong pang-masa. Yung mga cart na nakikita sa malls, lansangan, at maging sa mga train station. Isang halimbawa dito ay ang pinakamamahal kong Siomai. Siomai House man o Master Siomai, pareho lang silang nagse-serve ng tubig toyong walang lasa. Pucha. Mukha nang tabong punong-puno ng toyo yung karton na lalagyan ko ng siomai, wala pa din akong nalalasahang alat. Kung lalagyan ko naman ng kalamansi, mas wirdo pa sa itsura ko ang lasa nung sawsawan. Maalat man ang ugali ko, malas lang at di ko magamit ang toyo sa utak ko.

3. Magkano Yelo? - Magkano na ba ang bentahan sa merkado ng tubig? Eh, ng yelo? Sa amin sa San Pedro, dos.

Nagtataka kasi ako. Sa tuwing bumibili ako ng Coke/Coffee/Sarsi Float, sa Jabi man o Mcdo, sobrang nakaka-gulat ang dami ng yelo sa loob ng plastik nilang baso. Di ko tuloy alam kung paano ang breakdown ng bentsingko (25php) ko. Parang yung limang piso, nahahati sa soda at chocolate syrup. At yung bente pesos? Sa mahiwagang yelong may hindi makitang ginto.

Saan kaya nang-gagaling ang yelo nila? Sa freezer? Sa inidoro? Sa minahan ng ginto? O sa bunbunan ng mga laking-aircon commuter? Hindi ko alam. Pero ang alam ko, subukan ko mang isanla ang yelo ng coke float, tunaw na ito bago ko pa man maibigay sa pawnshop. Ganun ito kahiwaga.

4. Pogi mo. - Mga taxi driver na namimili ng pasahero. Choosy pa si Koya mode activated, kumbaga.

Naglipana sila sa bandang Cubao hanggang Marikina at Antipolo. May pailan-ilan pa din sa Makati na di mo alam kung namimili ng pasahero o nagtatanga-tangahan at nagkukunwaring di alam ang destinasyon mo. Kung gamitin mo man ang textline na binigay ng gobyerno para ireklamo ang mga tsuper na namimili ng pasahero, alam mong nagsasayang ka lang ng load dahil wala naman talagang nangyayaring solusyon. Magkano kaya ang budget ng gobyerno para sa ganitong klase ng mga proyektong walang pangil? Miski baby tooth, wala.

Dito sa Davao, kung saan ako pansamantalang nagtatrabaho - kapag tsuper ka at namili ka ng pasahero, asahan mong artista ka tuwing weekend. Kasama mo mismo ang Mayor sa TV! Mayor Duterte yun boy! Spell Awesome. At hindi lang 'yan. Matapos ang ilang linggo, kapag hindi ka pa din nag-bago, makikita mo na din si San Pedro. Makikita mo na ang mga mahal mo sa buhay na matagal mo nang di nasilayan! It's More Fun in the Philippines!

5. Peste. - Mga taong nakiki-wifi na nga lang, ang lakas pa mag-reklamo. Hindi ka naman madamot. Sadyang may mga bullshit lang na inihain ang tadhana sayo. At kung hinahabol ka ng malas, sila pa yung may multiple downloads na ginagawa, habang nagyu-youtube. Jeez. Kung i-off mo man ang tethering ng cellphone mo, o malowbatt ka, sila pa yung galit.

Kung pwede lang pumatay ng tao, inuna ko na ang mga 'to.

6. Face-to-Face-Facebook-Edition - Kung hilig mo ang pagsisiwalat ng buhay mo sa Facebook at ginagawa itong Online Barangay, wag kang magtaka kung dumating ang araw na wala ka nang kaibigan sa Facebook, o may kaaway ka nanaman next week. Pinaka-ayaw ko yung mga putakera sa Facebook, lalaki man o babae. When I say putakera, sila yung mga taong masyado nang personal ang mga detalyeng nilalagay sa Facebook. YUNG TIPONG ALL-CAPS MAG STATUS MESSAGE, AT IBO-BOLD KUNG PWEDENG I-BOLD, TAPOS HINDI NAMAN MASABI NG HARAPAN SA TAONG GUSTO NIYANG PATAMAAN. Ang alam ko, social networking site ang Facebook - hindi palengke.

Isali na din natin dito ang cheap na asal nang pag-aaway ng mga tao para sa mga taong wala namang paki-alam sa kanila. Yung mga 'netizens' na nag-aaway para sa mga artista.


7. Dadaloy din ang ginhawa EAF points/Memo/IR. - Na-late ka na ba sa trabaho dahil sa mga pesteng road construction signs sa kalsada? Napikon ka na din ba? Lalo na kung alam mong nakatiwangwang lang naman ang espasyo at wala naman talagang gumagawa. Kumpara sa tao, nganga. Mas lalong nakakaburat kung may matanggap kang EAF points at nawala ang pinapangarap mong attendance bonus (kung meron man) dahil dito.

Minsan, ang cute lang talaga ng mga nagpapayaman kasama ang DPWH. Wala naman talagang sira ang kalsada bago pa ang mga pesteng construction na yan. Hindi rin naman mabigat ang daloy ng trapiko (depende sa oras) kaya hindi nangangailangan ng road widening. Ang totoo, utak dapat nila yung pinapa-widen. Nakakalungkot na yung mga nagnanakaw ng wallet, softdrinks sa tindahan at cellphone, nakakulong. Samantalang yung mga nagnanakaw ng bilyon na para sana sa mga walang makain at naghihikahos, nasa condo. O kaya nag-gogolf, o gulp.

Yung budget ng gobyero at buwis ng mga tao, marahil ay kotse na ngayon. O Macbook ng mga politiko, alipores nila't mga anak, salamat sa mga road widening projects na yan. Walang suspect, pero may biktima. Tangina talaga.

8. Mommy Dionisia. - Ang alam ko, si Pacquiao naman yung boksingero at world champion sa larangan ng boxing. Si Pacman din ang politiko, relihiyoso, congressman, bilyonaryo, endorser, icon, nagbabalak maging sendador sa 2016, brabalibintawan, at bigotilyo.

Ang ipinagtataka ko, bakit mas madalas ko pang makita ngayon sa TV si Mommy D kaysa kay Pacquiao? Kung meron pa man, hindi ko naman napapansin sa international media ang mga nanay nina Cotto, Marquez, Mayweather, Diaz, Hatton at maging ang mga naunang nakalaban ni Pacquiao. Iba ka talaga Dionisia. Nakakatawa din na maging ang international showbiz press ay updated sa ballroom dancing ni Mommy D, at pati sa lovelife ng matanda. Kaya siguro siya endorser ng suka, may asim pa. Nakaka-inis man ang mukha niya kapag OA siya, nakikita kong komedya ang maraming bagay kapag nagsasalita na siya. 

9. LIKE. - Cleavage, abs, pekpek shorts, ano mang bagay na may kinalaman sa fetish ng mga tao = automatic like.

Mabilis pa sa bullet train ang pag-apaw ng likes sa mga ganitong litrato. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko yung mga simpleng taong may matabang utak at may sense kausap. Isali mo na din yung mga mahihilig sa Pokemon, gitara, anime, matinong OPM at quality na mga banda. Gaya nga ng sabi ko, di ako mahilig makipag-usap sa mga tao - lalo na yung mga sinungaling, wrong grammar, jeje, relihiyoso, pa-cute, at know-it-all.

May mga tao din akong kilala na miski walang kwenta ang status (e.g 'Haha'), like pa din basta si crush ang nag-post. Napaka-babaw. Miserable, sobra.

Maliban sa misteryo ng Facebook Likes, isa pang ipinagtataka ko ay yung mga babaeng mahilig mag-post ng kilikili nila sa Facebook. Utang na loob, kumakain po ako sa harap ng laptop ko. Noong nakaraang taon ay nai-post ko na din sa FB ang pagtatakang ito tungkol sa mga kilikili sa Timeline.

Gaya ng inaasahan ko, puro babae ang nagreply. Isa lang ang gusto nilang iparating:

'Proud lang kami kasi maputi ang kilikili namin.'


Nag-reply ako ng,

 'Pusod, siko, batok, tuhod, kuko sa hinlalaki ng paa, ngipin, pores sa gilid ng ilong, singit, kuyukot.'

At natapos ang thread. Wala na akong nakuhang reply.


10. Anyare?

Pritos Ring, Mongol Pencil at Cassette Tapes. - Noong kabataan ko, dito lang naging busy ang mga daliri ko. Asan na ba ang mga 'to? Bakit iba na ang pinag-gagamitan ng finger ng mga kabataan ngayon? Huwag na lang natin ituloy at baka maging malaswa ang usapan.

Santan - Noong unang panahon, panahong hindi pa uso ang pagbili ng bulalo at kap-nudils sa bakery, ang sinusutsot ng mga tao ay ang nectar ng santan. Kung di mo ito nagawa ay hindi mo talaga naranasang maging bata sa Pilipinas. Kung isa ka naman sa mga kabataang parang kahapon lang ipinanganak, tanungin mo ang ate at kuya mo, o kaya yung nanay at tatay mo kung maaga silang nag-wasakan. Malamang ay may ideya sila sa sinasabi ko. (Sa mga di kilala si Bulalord, heto ang Video)



MikMik! - Kung may hini-hithit man kami noon sa aluminum foil-like apparatus, Mikmik lang yun at wala nang iba. Nakaka-adik. Pula man o brown. Punyeta. Saan pa ba may nabibilhang ganito? Kung mas madami sanang stock ng Mikmik sa merkado, bababa ang istatistika ng mga kabataang lulong sa droga. Maliban sa mas mura ang mikmik, libre din ang bulate sa tiyan na dulot nito. Kung malakas naman ang trip mo sa buhay, pwede mong hiwain ng malapad ang plastik, isubo ang straw, ipasok sa loob, at hipan ng malakas. Makikita mo ang heaven, kung makakakita ka pa. Wala na atang feel-good food gaya ng Mikmik.

Mikmik Milk Powder
Dito ko na tatapusin ang pagtataka at pagsasayang ng oras mo. :) Ishare, i-like, mag-komento. Gawin ang nais. Nawa ay naaliw ko kayo kahit papaano. Hanggang sa muli, kailangan ko nang maligo at manonood daw kami ng 300. Wag na magpost ng kilikili, alright?
_____________________



Para sa mga suhestyon at reklamo, marapat lamang na maglagay ng mga hinaing sa ibaba (Comments Section). Maraming salamat po, lalo na sa mga nag-papakain ng mga isda sa kanang bahagi ng pahina at mga di tumigil sa pangungulit para magsulat ako ulit. Yung mga gusto mag-rekwes ng topic, nasa baba ang link sa Facebook ko. Balik kayo next week! I-share sa mga may balak kitilin ang sariling buhay. Pag-ibig Ang Lunas.

-Pal



You Might Also Like

14 comments:

  1. Nice one Dude..!! Rakenrol..Malamang mag-Top 10 ka uli gay nung mga last blog posts mo..^^d Keep it up bro..!!
    At Dahil Dyan Pakakainin ko lang mga isda mo..XD

    ReplyDelete
  2. Oooooouuuuuuch!!!!

    ReplyDelete
  3. Hahaha aray... JEJEJE joke lang :3 thumbs up. Its more fun in the Philippines talaga :'))

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  5. iba talaga utak nung nagsulat tinalo ang bulalo utak nya'y malaman thumbs up......!

    ReplyDelete
  6. Coke Float na pag sinabihan mo "Konti lang ice ate", 3 - 4 cubes lang ata ang tatangalin. -.-
    Mik-mik na pag sinipsip sa straw, UBO agad. \m/

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. Sang ayon ako tungkol sa Likes sa Facebook, hahaha. Masyadong overrated lang ang ibang tao, Wala naman silang ginawang makabuluhan kundi mag pa cute.

    ReplyDelete
  9. Hahaha! This post made my night!
    Minsan na ko umorder ng coke float at pinahiwalay ang yelo... hindi ko na uulitin xD

    ReplyDelete
  10. dahil sa blog na ito, pinagbangga mo ang nostalgia at status quo... pwede!

    ReplyDelete
  11. Ang lupet mo sir Pal! Two thumbs up!

    ReplyDelete