Galaw-galaw. (Move On and Maging Tanga Responsibly.)

6:05 AM PalamuninLang 29 Comments

3.2.2014
Davao


“There is no greater agony than bearing an untold story inside you.


I. Balita?

Langya, halos dalawang taon na ang nakakalipas nang huli akong sumulat. Ang akala ko noon ay hindi na ako magsusulat ulit, sa mga panahon ng pag-iisa, naging busy ako sa trabaho at pilit kong pinapababa ang bayarin sa Meralco namin para hindi ma-doble ang pagka-durog ng puso ko. Pero paminsan-minsan, kapag may mga taong nagkakamaling mabisita ang blog na 'to, nakakatanggap pa din ako ng mga mensahe na bumalik at makipagtitigan sa monitor

Maliban sa alikabok ng PC at Keyboard na walang letra, mas ikinakatakot ko ang kalawang sa utak ko. Walang praktis at wala ding topic para isulat. Siguro dahil na din sa stress at pagiging busy ko. Seryoso, ang nipis na ng buhok ko, nakakababa ng self-confidence ang pag-lapad ng noo ko. Minsan naiisip ko kung malas ang palayaw na PAL, nagmumukha kasing paliparan ng eroplano ang noo ko. At kapag naubos ang buhok ko, nako... ewan ko.

Mula sa pagiging ahente sa isang call center, na-promote na po akong US Geography and Culture at Product Trainer last year para sa isang kumpanyang mahilig sa Kable, Telebisyon at iritableng kostumer. Siyempre, kasabay ng promotion, tumaas din naman ang sahod ko. Isabit mo na din ang self-esteem, pasensya, buwis bawat cut-off at bill sa telepono. Tumaas din ang attrition rate ng kumpanya namin, at higit sa lahat, tumaas ang hairline ko.

Dalawang taon na ang nakakalipas mula noong isulat ko ang 'Huling Palaplap'. Isang kwento ng hangal na luha at pagka-bigo. Ngayon, masaya kong ibinabahagi ang una kong blog matapos ang matagal na panahon.... 'Galaw-Galaw. Move On and Maging Tanga Responsibly.' 

(Sa mga bagong mambabasa, ipagpatawad ang huwad na mga salita at komposisyon. Wala po akong kinuhang kurso na may kinalaman sa pagsusulat.)
___________________________________________

II. Maging Tanga Responsibly.

Sa di ko maalalang dahilan, tumambling ako ng malayo at napadpad dito sa Davao, ang perpektong rehab community ng masasamang tao. Sa mga nag-aalala, wala naman akong balak makita ang Duterte Finger at bumulagta nalang sa daan. 

At nangyari na nga. Ang resulta ng soul-searching, travelling at tatlong taon ng mabagal at siguradong pagmomove on ay ibabahagi ko sa paraang di ko alam kung maiintindihan ng ordinaryong tao. Heto na, ang Move On and Maging Tanga Responsibly Tips and Lessons:

1. Wag Control Freak. - Let's admit, most of us (guys) are control freak. And sadly, sobrang dalang nating ipakita ang soft side natin sa mga girlfriend. We pretend to act tough, na we are always in control miski hindi naman totoo. At dahil diyan, tayo rin ang mga pinaka-mukhang tanga umiyak sa huli. As in, mukhang tanga. Kung ayaw mo maniwala, try mo picturan yung sarili mo habang umiiyak ka. Tapos, spell T-A-N-G-A. Hindi ko alam, pero sa tingin ko, natutuwa talaga ang mga babae sa mga lalaking control freak na umiiyak sa huli. At natutuwa din sila kapag humihingi tayo ng chance to 'work things out'. Humahaba yung buhok nilang mga babae at may kaunting kilig at paasa behavior na kapag narealize na nila na wala silang ginawang mali. Na lahat ay nasa utak lang nila dahil paulit-ulit natin silang sinisisi, at nabebrainwash na dapat silang mag-sorry. Kung isa ka din sa mga lalaking nag-aakalang ikaw lang ang dahilan kung bakit maganda ang relasyon ninyong dalawa, pwes, ang kapal ng mukha mo. Mas masama pa kung may ka-pares na 'know-it-all' attitude yang kayabangan mo. Ang sarap lunurin sa drum na walang tubig. Gumising ka na bago ka iwan ng shota mo.



jfotography.net
2. Use Authority Wisely. - Naniniwala pa din ako na kapag sinagot ka ng babae, binibigay niya sa'yo ang isang malaking submission ng sarili niya. Isinusugal niya lahat: ang self-esteem, ang pangarap na kilig moments in the future kasama ang crush niya, most decisions miski pa obligasyon sa pamilya, political views, ang nahating oras para sa pag-babasa ng paborito niyang libro (critical na 'to sa mga babae), ang 'special' relationship niya sa lalaking best friends niya, ang authority niya na uminom ng softdrinks at kumain ng mga pagkaing nakakataba, ang BAGONG BATAAN, at marami pang iba. Kung iisipin mo, ang submission na 'to ang dahilan kung bakit ka may 'authority' sa relasyon ninyo. Siya ang nag-iisang tao na nagbibigay sa'yo ng pakiramdam na you are in authority, diba totoo? Tip? You don't need to use the authority she gave you against her. Case closed.

3. Don't give up on us baby everything immediately. - Applicable sa mga lalaki, lalo na sa mga babae at binabae. Siguro, rason din 'to kung bakit madami pa ding naghahanap ng ibang putahe miski maputi naman ang kilikili mo at wala kang halaman sa batok. Kung nangangarap ka ng isang mahabang relasyon, wag mong ibigay lahat-lahat sa umpisa. Uso ang mag-tipid, maging sa pag-ibig. Kumbaga sa buhay call-center, wala ka nang pang rebut (rebuttal). Kasi wala ka nang bago. Kumpara sa makulit na customer, naubos mo na yung features na pwede mong maibigay. Take it slow. Focus on your self-growth and maturity. Along the way, you will discover more from yourself. More features, more fun. May sawa factor lahat ng relasyon, pero kung hindi mo ibibigay lahat sa simula, you'll dive deeper to discovering more things. Discovering them by yourself, and with your partner.

jfotography.net

4. Don't skip the friendship part. - Most important recipe of a relationship, friendship. Kung nagsimula yung relasyon dahil sa may crush ang isa sa inyo - at biglang nauwi sa romantic dates with Jeje texts and mushy feelings, ipupusta ko ang apat na buhok sa right nipple ko, di kayo magtatagal. Because dating skips the friendship part. Miski friendly dating pa yan.

5. Know when to talk. - Failure of communication is the syrup on top of every break-up. Miski pa punong-puno ka ng humor, hindi tungkol sa komedya ang lahat ng relasyon. Kung hindi mo alam makipag-usap ng matino, siguradong maririnig mo ang linyang: 'We need to talk / I have something to confess to you' - wala pa atang taong may ex-girlfriend/ex-boyfriend ang hindi nakaka-alam ng linyang yan. At sigurado, after nyan, may isang tatawag ng uwak, at may isang gagamit ng madaming tissue at mambubulabog ng kaklase/katrabaho/news feed ng iba. Magiging mabenta din ang hollowblocks, lubid, blade at zonrox. Wag nang hayaang dumating sa puntong yan. Know when to say 'sorry'. Ang pride, pinapairal sa propesyon, hindi sa relasyon.

6. Walang Sincerity sa Mata. - Lagi kong tinatanong ang mga kaibigan kong babae kung paano nila nalalaman kung sincere ba ang lalaking kasama nila ngayon. Sa mga babae din kasi ako nakakakuha ng ideya sa pagsusulat kapag may mga nadidiskubre akong bagay tungkol sa mamood-swing nilang pag-katao. Madalas kong naririnig, 'Nakikita ko sa Mata niya.' Tangina, kawawa naman yung mga kaibigan kong duling at banlag, hindi pwede maging sinsero.

Para lang aware kayo, napakadaling manloko ng babae para maniwala siya sayo: Mangako ka. Hawakan mo sa kamay. Halikan mo sa kamay. Pumikit ka. Halikan mo sa noo. Yakapin mo.

Hindi ako nagbibiro. Kung may kasama kang lalaki ngayon, paki-confirm. Mabentang-mabenta na 'to sa mga babaeng nasaktan kaya pwede niyo din silang tanungin. Kung gusto niyo ng mas gasgas na paraan ng panloloko, malamang narinig niyo na ang linyang' to:

'Sa ganda mong yan, wala ka pang boyfriend?'

At malamang, nahulog din ang panty mo kung crush mo ang nagsabi niyan. Uto-uto.

To test a man's sincerity requires time. Walang ibang way. Kung gusto mo malaman kung gaano ka-seryoso ang isang lalaki sa'yo, take your time. Wag kang easy-to-get dahil wala ka naman sa discount promo ng SM. Wag kang cheap, wala kang price tag. Kung meron, pumunta ka dito para madaanan kita ng scanner. Basta wag agad mahulog. Bigyan ang puso ng temporary restraining order. Lalo na kung hindi mo siya lubusang kilala. Kung sumuko siya sa panliligaw after several months, paano niya papatunayan yang forever niya na yan? Langya. Mauuna pa atang ma-expire yang forever kesa sa unli plan ng network provider mo.

7. Walang Taong Paasa. Bakit? Sinabi ba niyang umasa ka? Hindi. Ginusto mo din yan.

III. Galaw-galaw.

Gaano ba ka-tagal bago makapagmove-on?


Hindi ko alam. Wala naman talagang timeframe yan. Wala ding naka-set na AHT na kailangang ma-meet. Biglaan na lang yan nangyayari. Ikaw ba? Kailan mo nalamang nakapag-move on ka na? Paano mo mapapabilis ang proseso? Ako, may ilan akong palatandaan at suggestions:

Palatandaan: 

1. Wala ka nang paki-alam. Self-control. Isang bagay na tanging ang mga naka-discover lang ng emotional intelligence ang nakaka-gawa. Eto yung mga panahon na biglang magtetext ang ex mo na para bang walang nangyari at pilit kang pinapakilig, intensyonal man o hindi. Malalaman mo lang na nakapagmove-on ka na kapag kaya mo nang tiisin ang kilig, o di ka na kinikilig at all. Ika nga ni Ramon, ang malisya ay parang germs na kumakalat at sinisira ang rational thinking mo. So, do not give 2-shit-flying-fuck. Kaya mo na ding tignan ang Facebook niya miski pa may ibang babae/lalaki na siyang kasama. Masasabi mo na din na, 'Ano ba yang pinalit mo sakin, mukhang ingrown nail.'

2. Normal na ulit lahat ng love songs sa pandinig mo. Iba ang pagkaka-interpret ng broken-hearted sa mga love songs. Pakiramdam nila, para sa kanila ginawa lahat ng kanta. Lalong-lalo na yung mga break-up songs. Kapag nakapagmove-on ka na, masaya mo nang makakanta ulit ang Mr. Brightside, Oo ng Up Dharma Down, Someone Like You ni Adele, at madami pang iba. Ika nga, when you are inlove, you appreciate the music. But, when you are sad, you appreciate the lyrics. 

3. Tahimik na ang buhay ng kaklase/best friend/katrabaho at Facebook Timeline mo. Wala na atang mas nakaka-buwisit na kaibigan gaya ng mga kaibigang paulit-ulit na nagtatanga-tangahan. Siguro naman ay naranasan mo nang magkaroon ng kaibigang paulit-ulit kang iniiyakan, dahil sa paulit-ulit na kwento, at paulit-ulit na dahilan. At kung maswerte ka nga naman, pag-uwi mo sa bahay, mag-bubukas ka ng Facebook at rant pa din niya ang makita mo. Anak ng baog naman talaga o.

Nakaka-asar. Una, ang pagpopost ng 'Magsama kayo ng Kabit mo', 'Ang kapal ng mukha mo,' 'May asawa kang tao.. blah blah blah..' ay masyadong personal para i-share sa Facebook. Tapos galit ka pa kapag may nangi-alam? Gago. Pangalawa, hindi ka naiintindihan ni Mark Zuckerberg dahil di naman siya Pilipino at wala siyang alam sa sistema ng putakan ng mga higad, ilaw, anay, haligi ng tahanan at mga nabubunging kalapati sa gilid-gilid ng mga eskenita. Pangatlo, Wala Kaming Paki-alam. In case you don't know.

Suggestions:

4. Acceptance. Wala nang ibang mas okay na solusyon kundi ang tanggapin na wala nang pag-asa. Wala na. Oo. Wala na. Isipin mo nalang, noong iniwan ka niya, alam niyang masasaktan ka - pero ginawa niya pa din. Ang sakit ay hindi pang-habambuhay. Bumangon ka man sa isang umaga na kasama nalang ang unang may mapa ng laway mo, maging masaya ka. Mas maging masaya ka kung iniwan ka niya habang hindi pa kayo kasal.

5. Do not cling to memories. Waiting is a noble thing, hindi ata madaling maghintay sa mga bagay na walang kasiguraduhan. But do not cling to memories for so long, it's an everyday torture. Parang pinipilit mo makalimot, tapos nung nakita mo siyang may kasamang iba - back to zero ka. Parang kang may malaking tigyawat sa dibdib na pumutok, tapos nilagyan pa ng alkohol. Ang sakit diba? Di ka makahinga? Walang true love. Ang pag-ibig ay hindi constant. Noong nagmahal ka noong 16 years old ka, ibang kaso yun. When you reach 25, you'll have a very different view of what love is. It's either your values system becomes updated, or you become bitter. Again, love is not constant, it's always changing.

6. Forgive yourself. Nobody can give a perfect relationship to his/her partner, since nobody is perfect in the first place. The more we accept this truth, less expectations we will have. Give yourself a break. Take a Kit-Kat.

___________________________________

Disclaimer: Di po ako Love Guru. Wala din sakin ang libro ng tama at mali at maaaring di ka makaka-relate sa mga sinulat ko. Pero maraming salamat sa pagbabasa sa una kong blog matapos at dalawang taon. :) Taglish po ang iskoran ng blog ko. Kung trinanslate niyo sa English ang setting ng Google Chrome niyo ay maaaring di niyo lubusang maintindihan ang mga sinasabi ko. Di naman required, pero ma-aappreciate ko ang mga comments na ibibigay niyo. Maraming salamat po, lalo na sa mga nag-papakain ng mga isda sa kanang bahagi ng pahina at mga di tumigil sa pangungulit para magsulat ako ulit. Pag-ibig Ang Lunas.

-Pal




You Might Also Like

29 comments:

  1. Bakit ganun. Bukod sa move on part, parang tinamaan aq sa lahat ng items. Amp.. Anyway nice article. Nakarelate aq mga 20times. :D

    ReplyDelete
  2. Thanks Arbi! Haha. Kasi, nag eenjoy ka pa sa Canon rock. Anyway, sana wag ka na makarelate sa move on part. Haha. :)

    ReplyDelete
  3. nice one... everything that you said on the article is turn.. i my self also having hard time to move on but i know time will heal and think will be alright...

    ReplyDelete
  4. kaibigan lang pala, kaibigan lang pala...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napawi ang aking pangamba... aking nadarama, ngayo'y pag-asa na~

      Delete
  5. nagu2stuhan q tlga bwat sltang bnbtawan mu..hoho! hope marealze q yang move on na yan .,haha!! nice blog pal..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po at sana'y magpatuloy ang pambobola. <3 :)

      Delete
  6. "THERE IS NO GREATER AGONY THAN BEARING AN UNTOLD STORY INSIDE YOU"... I just love your writing, Pal. It wasn't just limited to men's perception but you also have emphasized the risks women make. Which is really amazing. Not all men are sensitive enough to see and feel that. I have soooo much good points to say about the blog itself. I hope you won't mind that I even had it saved for Offline Reading on my phone. There is humor in it, Pal. And your writing made sense FOR ME. Hindi naman sa may issue ako sa pagmo-move on kasi happy single naman ako. But hopefully the man who'd attempt to be my better-half soon would atleast read your blog. Perhaps by then, I would be understood and appreciated. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Madami-daming panlilibre ata ang gagawin ko. XD Salamat po!

      Delete
  7. agree ako sa lahat huehuehue kasi pinagdaanan ko na =)))) esp. dis part:
    "4. Don't skip the friendship part. - Most important recipe of a relationship, friendship."

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dear Kath,

      Ang pag-ibig ay parang Siopao.
      Minsan kala mo Special, yun pala ay BOLA-BOLA lang.

      Delete
  8. wag ka magalala pal, INGROWN NAIL ung pinalit sayo. HAHAHAHAHAHA

    ReplyDelete
  9. Di tayo close, di mo din ako kilala, pero salamat dito Pal. May nabasa na naman akong makabuluhan. Damang dama. :) :*

    ReplyDelete
  10. Nice Blog Article Dude..!! ^^d Actually Na-experience ko na din ang ilan sa mga to..Well ang nasabi ko lang sa sarili ko "Wag ka nga Magmuk-Mok Muk-Mukan Dyan" sabay batok sa sarili..XD

    Sa Moving-On Part..I've done it in 4 Steps..(MMORPG Style)
    1. Accept (and Take the Hit)
    2. Recover (From Damage Taken)
    3. Start-Over (and Focus on your Next Move)
    4. Move Forward..!!

    Salamat at Nakabalik ka na..!! Well this is the Real World..Get Used to It na Dude..!! ^^v

    ReplyDelete
  11. I see the sense pero hirap isabuhay XD hahaha
    Mabuhay tayong mga single and lets see to it na we'd use these principles pag may lablayp na XD

    ReplyDelete
  12. para sa mga taong umibig, umiibig, nasaktan at nasasaktan ang blog na ito... makabuluhan at tagos sa puso. nice one sir pal.

    ReplyDelete
  13. "4. Don't skip the friendship part. - Most important recipe of a relationship, friendship. Kung nagsimula yung relasyon dahil sa may crush ang isa sa inyo - at biglang nauwi sa romantic dates with Jeje texts and mushy feelings, ipupusta ko ang apat na buhok sa right nipple ko, di kayo magtatagal. Because dating skips the friendship part. Miski friendly dating pa yan."

    -SHOULD I SAY MORE? ika nga ni Joshua Harris, importante ang kilalanin ninyo ang isat isa, para sa isang long lasting relationship. i agree. good job boss.

    ReplyDelete
  14. I agree PAL regarding sa friendship part. I am a big fan of Sternberg's triangular theory of love. And of all the components of a consummated love, I see that friendship plays a vital role. Walang sense kung passion at commitment lang. Mas may sense pa ang love na passion at friendship lang, o kaya friendship at commitment lang.

    ReplyDelete
  15. ang Love nga naman, may pinagpapala, mayroon ding minamaldisyon. C'est la vie. Bawat pagkakataon na pwede mainlove tinitake ko. tawagin man akong playboy o ano, paminsan minsan lang ito. wala to sa kabilang buhay(kung meron man). sa journey kung ito, may pagkakataong nasasaktan din(kasama sa risk) pero masarap ang maramdamang simpleng tao lang pero mayroong magkakagusto sa saken(pangit talaga ako).

    the journey is what brings us happiness not the destination ika nga ni dan millman. tamasain mo ang pagkakataong mainlove at wag mong pangaraping forever((ano ka vampire?).walang ordinaryong moments-dan millman nagiging ordinaryo lang yan pag okupado ang iyong pag iisip sa kung ano mang pantasya.

    aq nga pala yung mostly kalaban at hated ng girls na klase ng lalaki. wala naman akong ginawa.lumapit,nakinig,alalay konti. sila na yung gumawa ng pantasyang prinsepe at kabayo. at dun lang ako sa tabi nya parang tanga lang, bakit biglang kailangan ko nang makipagpaligsahan sa date,flowers at kung ano pang media misled theory of bullshit corporate lifestyle na? d ba pwedeng chill muna? kain sa turo2.lakad sa bukid.higa sa dagat?hay nakakabobo tong sinusulat ko.pasensya.incohesive ang thoughts ko dito.

    salamat pal d best ka..



    bodaxx

    ReplyDelete
  16. May pyutyur ang batang to'! Tuloy mo lang yan. Daming nakakarelate. Napatawa din ako, mga 17 pcs.
    :b

    ReplyDelete
  17. @Kris - Walang time. XD Thanks though! :)

    ReplyDelete